Pakikibaka Sa Kolehiyo(Naratib)
Taong 2019 nang una akong tumuntong sa kolehiyo dala ang pangarap na baon mula sa aking bayang pinagmulan. Pangarap na makapagtapos at maging isang mabuting guro sa hinaharap na magsisilbing gabay sa aking mga magiging estudyante. Noon pa man ay alam ko nang hindi madali ang pakikibakang aking tatahakin, ngunit handa ako para harapin at ipaglaban ito.
Hindi biro ang aking kinaharap na pagbabago nang pasukin ko ang kolehiyo. Nariyang. pumasok ako sa isang bagong mundo at nakipagsapalaran kasabay ng mga bagong kaibigan na aking natagpuan. Masaya ang unang semester na aming napagdaanan, may mga pagsubok ngunit amin ding napagtagumpayan. Sa kabilang banda, ang pagsapit ng ikalawang semester ay ang pagsapit din ng nakakatakot na virus na bumago ng maraming bagay na atin nang nakasanayan. Mula sa tradisyonal na pagpasok sa paaralan ay humarap tayo sa online class upang maging. ligtas tayo sa banta ng virus habang naipagpapatuloy ang pag-aaral. Bagamat ligtas ay hindi ito madali para sa aming mga estudyante. Nariyan sinuong naming ang hamon na ng mahinang koneksyon sa internet, mga distraksyon sa bahay, at patong patong na gawaing pampaaralan. Kasabay din nito ay ang pagtaas ng matrikula na dumagdag pa sa mga gastusin ng pamilya. Dahil sa mga dahilang ito, napilitan akong lumipat ng paaralan na papasukan at sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman ako sumuong sa panibagong mundo.
Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong taon na ako sa kalehiyo, Nariyan pa rin ang mga pagsubok ngunit kagaya ng dati ay pinipilit ko itong pagtagumpayan dahil nalalapit na aking makamit ang matagal ko nang pinapangarap. Maituturing kong nakalulula ang aking paglalakbay sa kolehiyo, maraming tao ang aking nakilala at nakasalamuha, maraming pabago-bago, at maraming karanasan na nagpatunay ng aking kakayahan. At sa lahat ng aking napagdaanan ay isa lang ang aking naputunayan, na hindi lahat aayon sa plano mo para makamit ang iyong pangarap na makamtan. Maraming hindi inaasahang pangyayari na susubukin ito, ngunit para saakin, ang tunay na nangangarap ay handing lumaban, handang magsakripsyo, at handang humarap sa pagbabago.
Comments
Post a Comment