Araw Ng mga Ina(prosidyural)
Yakap na mahigpit,
Para sa taong wala nang iba pang hihigit,
Taos-pusong pagpupugay,
Sa'yo mahal na Nanay!
Ipinagdidiriwang ang "Araw ng mga Ina" o "Mother's Day" sa Pilipinas taon-taon tuwing ika-2 Linggo ng Mayo. Ito ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mga "llaw ng Tahanan na humuhubog sa ating lipunan. Natatanging araw upang bigyang-pugay ang milyung-milyong kababaihan sa mundo na siyang nagbigay-buhay sa atin, mga inang walang sawang nag-aaruga, at buong pusong nagmamahal sa pamilya
Gayunpaman, ang pagsisimula ng modernong selebrasyon na ito ay matutunton sa panahon ng mga sinaunang Griyego at Romano na nagdaos ng mga kapistahan bilang pagbibigay-pugay sa mga inang diyosa na sina Rhea at Cybele, ang "Mothering Sunday" na ginugunita tuwing ikaapat ng Linggo ng Kuwaresma at isang pangunahing tradisyon sa United Kingdom at sa ilang bahagi ng Europa, na orihinal na itinuturing na panahon kung kailan ang mga mananampalataya ay bumabalik sa kanilang "mother church-ang pangunahing simbahan sa bisinidad ng kanilang tahanan-para sa isang espesyal na serbisyo, at ang modernong konsepto na pinasimulan noong 1905 ni Anna Jarvis, na nangampanya sa mga pulitiko ng kanyang panahon upang magtalaga ng isang araw para gunitain at pahalagahan ang mga pagsisikap at mga pagsasakripisyo ng lahat ng ina, at nagbunsod kay US President Woodrow Wilson upang lagdaan noong Mayo 8, 1914 ang isang Joint Resolution na nagtatakda sa ikalawang Linggo ng Mayo bilang Mothers' Day.
Bagamat may malalim na kasaysayan ang araw na ito, hindi maipagkakaila na mananatiling espesyal ang Araw ng mga Ina upang ipagdiwang at kilalanin ang kanilang kadakilaan. Sagana ang kasaysayan sa mga halimbawa kung paanong ang kanilang pag-aaruga at inspirasyon ay naghubog ng mga bayani at iba pang dakilang kalalakihan at kababaihan
Sa ating bansa, naging tradisyon na ipinagdiriwang ang araw na ito sa pagkakaloob sa mga ina ng mga greeting card, regalo, tsokolate, o bulaklak. Bukod dito, karaniwan din na binibigyan ang mga ina ng pahinga mula sa mga gawaing bahay.
Comments
Post a Comment