Posts

Ang kwento ni tata selo(naratib)

  Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pi...

Pakikibaka Sa Kolehiyo(Naratib)

  Taong 2019 nang una akong tumuntong sa kolehiyo dala ang pangarap na baon mula sa aking bayang pinagmulan. Pangarap na makapagtapos at maging isang mabuting guro sa hinaharap na magsisilbing gabay sa aking mga magiging estudyante. Noon pa man ay alam ko nang hindi madali ang pakikibakang aking tatahakin, ngunit handa ako para harapin at ipaglaban ito. Hindi biro ang aking kinaharap na pagbabago nang pasukin ko ang kolehiyo. Nariyang. pumasok ako sa isang bagong mundo at nakipagsapalaran kasabay ng mga bagong kaibigan na aking natagpuan. Masaya ang unang semester na aming napagdaanan, may mga pagsubok ngunit amin ding napagtagumpayan. Sa kabilang banda, ang pagsapit ng ikalawang semester ay ang pagsapit din ng nakakatakot na virus na bumago ng maraming bagay na atin nang nakasanayan. Mula sa tradisyonal na pagpasok sa paaralan ay humarap tayo sa online class upang maging. ligtas tayo sa banta ng virus habang naipagpapatuloy ang pag-aaral. Bagamat ligtas ay hindi ito madali para sa...

Araw Ng mga Ina(prosidyural)

  Yakap na mahigpit, Para sa taong wala nang iba pang hihigit, Taos-pusong pagpupugay, Sa'yo mahal na Nanay! Ipinagdidiriwang ang "Araw ng mga Ina" o "Mother's Day" sa Pilipinas taon-taon tuwing ika-2 Linggo ng Mayo. Ito ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mga "llaw ng Tahanan na humuhubog sa ating lipunan. Natatanging araw upang bigyang-pugay ang milyung-milyong kababaihan sa mundo na siyang nagbigay-buhay sa atin, mga inang walang sawang nag-aaruga, at buong pusong nagmamahal sa pamilya Gayunpaman, ang pagsisimula ng modernong selebrasyon na ito ay matutunton sa panahon ng mga sinaunang Griyego at Romano na nagdaos ng mga kapistahan bilang pagbibigay-pugay sa mga inang diyosa na sina Rhea at Cybele, ang "Mothering Sunday" na ginugunita tuwing ikaapat ng Linggo ng Kuwaresma at isang pangunahing tradisyon sa United Kingdom at sa ilang bahagi ng Europa, na orihinal na itinuturing na panahon kung kailan ang mga mananampalataya ay bumabalik sa k...